Lolo nagbigti, todas

bigti

DAHIL umano sa matagal ng karamdaman, naisipan na lamang ng isang 66 anyos na lolo ang kitlin ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbigti gamit ang isang nylon cord sa kanilang maliit na kuwarto sa Tondo, Manila kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Fernando Mercado Y Remolorena, binata ; walang hanapbuhay ng Bldg.14 Katuparan St., Vitas, Tondo.

Base sa ulat ni Det. Anthony Boncan ng Manila Police District-Crime Against Persons Investigation Section, dakong 10:30 kahapon ng umaga, nang madiskubre ang biktima na nakabitin ang leeg at nakaluhod ito sa kanilang lapag.

Nabatid kay April Amor Torres, 25 anyos, vendor at pamangkin ng biktima, matagal na umanong iniinda ng matanda ang kanyang sakit sa baga, at huli umanong makitang buhay ang matanda ng dakong 4:30 ng madaling araw.

Napag-alaman kay ginang Torres, na madiskubre ng kanyang anak na nakabitin na ang biktima at wala na umano itong buhay.

Gayunman, ang bangkay ay inawtopsiya sa Cruz Funeral Morgue, upang mawala ang hinalang may foul play sa nasabing insidente.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply