Love triangle: Magdyowa pinagsasaksak

crime9

HINIHINALANG love triangle ang motibo sa pananaksak sa mag-live in partner na ikinamatay ng lalaki habang kritikal naman ang babae sa Mabulay Subd. Brgy. 34, Cagayan de Oro City kaninang madaling araw.

Nabatid na natutulog sina Richard Pairat, 32, at Sarah Ru-aya sa kanilang bahay nang biglang pumasok ang suspek na si Tito Tan, alyas Lolong at pinagsasaksak sila.

Nagtamo ng 16 saksak sa likod at dibdib si Pairat habang sugat sa gilid ng katawan si Ru-aya na isinugod sa Northern Mindanao Medical Center.

Sa imbestigasyon, dating karelasyon ni Ru-aya ang tumakas na suspek kung kaya pinaniniwalaan ng pulisya na ”love triangle” ang motibo sa nasabing krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply