LP-NP COALITION MABUBUWAG

raul_valino

BALOT ng kahiwagaan ang coalition ng Liberal Party at ng Nacionalista Party.

Ang suspetsa noong na-karaang halalan ay si Manny Villar, pangulo ng NP, ang nagpakalat ng tsismis na si Noynoy Aquino na mas kilalang PNoy ngayon, ay abnoy na sumailalim daw noong araw sa isang psychiatric exam.

Si Manny Villar naman na noon ay kandidato sa pagkapangulo laban kay PNoy ay inakusahan ng marami na pasimuno ng maanomalyang C5 Road extension sa Las Piñas at Parañaque.

Ang C5 extension ay tinawag na kalyeng liko-liko at hindi katulad ng tuwid na daan ni PNoy.

Sipag at tiyaga ang battle cry noon ni Manny Villar bagama’t may nagsasabing dapat itong tawaging sikwat at taga.

Bago maghalalan ay may akusasyon din kay Manny Villar at ang kanyang asawang si Cynthia na utak ng mga pekeng titulo sa Bulacan na siya raw ginawang collateral sa Bangko Sentral para sila makautang ng bilyon-bilyong piso.

Ang collateral na ito ay nasa pangalan ng Capitol Bank na pag-aari ng mag-asawang Villar subalit ang sabi noon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay fake ang mga titulo.

Ang bintangang iyan ay nangyari noong nakaraang electoral campaign for President, ngunit ngayon ay iba na ang simoy ng hangin.

Ang NP ni Villar at ang LP ni PNoy ay nagsanib puwersa na sa kabila ng walang puknat na bintangan ukol sa graft and corruption.

Si Cynthia Villar ay kaanib na sa LP-NP coalition at kandidato pa for senator.

Ang LP-NP coalition ay sinasabing isang hakbang para sa nalalapit na ring presidential election na ang pangunahing kandidato ay si Mar Roxas na apo ng dating Pangulong Manuel Roxas.

Ngunit ayon sa mga matatandang miyembro ng NP, ang coalition nina PNoy at Manny Villar ay malamang na mabuwag sakaling kumandidato sa pagka-Pangulo si Bongbong Marcos, anak ni Ferdinand Marcos.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply