LPA ganap nang bagyo; ilang lugar signal No. 1

ISA nang ganap na bagyo ang namataang low pressure area (LPA) sa layong 170 kilometro sa Borongan, Eastern Samar at tinawag itong bagyong Bising.

Sa weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), taglay ng bagyong Bising ang lakas ng hanging umaabot sa 45 kilometro kada oras (kph) malapit sa gitna.

Ang bagyo ay inaasahang kikilos patungong Hilaga-hilagang Kanluran sa bilis na 13 kph.

Sa ngayon, nakataas na ang storm signal number 1 sa Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon gayundin sa Northern, Western at Eastern Samar.

Pinapayuhan ng Pagasa ang mga residente sa mabababa at bulubunduking lugar sa mga naturang lugar na maging alerto sa posibleng flashfloods at landslide.

Mapanganib rin ayon sa Pagasa para sa maliliit na sasakyang pandagat at mangingisda na pumalaot sa seaboard ng northern at central Luzon, gayundin sa eastern seaboard ng southern Luzon.

Samantala, magiging maulan na may kasamang pagbugso ng hangin ang Kabikulan at Samar samantalang ang Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon, maliban sa Palawan ay magiging maulap na may katamtamang pag-ulan, pagkidlat at pagkulog.

Malaki pa rin ang posibilidad na lumakas ang bagyo dahil sa pananatili nito sa karagatan ng Samar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply