LPA nagbabanta sa Mindanao

PATULOY na nagbabanta ang Low Pressure Area sa Mindanao.

Ang naturang sama ng panahon ay huling namataan sa layong 630 kilometers ng timog-silangan ng General Santos City.

Samantala, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) patuloy na makaka-apekto ang hanginga Amihan sa Luzon

Ang Kabikulan, Silangan at Gitnang Kabisayaan, Caraga, Hilagang Mindanao at Davao region ay makararanas ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog.

Magiging bahagyang maulap na may dagliang mahinang pag-ulan ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa.

Nananatili namang nakataas ang gale warning sa seaboards ng Northern Luzon at Eastern seaboard ng Central Luzon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply