LPA nasa GenSan na

NASA may bahagi na ng General Santos ang low pressure area (LPA) na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Huli itong namataan sa layong 160 kilometro sa timog silangan ng General Santos at nakapaloob pa rin ito sa intertropical
convergence zone (ITCZ) na nakakaapekto sa Mindanao.

Dahil dito, maaaring makaranas ang Mindanao ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na posibleng magdulot ng pagbaha habang ang Bicol region at ang Silangang Visayas naman ay makakaranas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan.

Umiiral din ang northeast monsoon na nakakaapekto sa Hilangang Luzon na maaari namang magdulot ng mahinang pag-ulan sa bahagi ng Cagayan Valley, Aurora at Quezon.

Samantala, magiging bahagyang maulap sa Metro Manila at sa natitirang bahagi ng bansa na minsan ay maaaring makaranas ng dagliang pag–ulan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply