LPA nasa Samar na – Pagasa

bagyo

MAGDUDULOT ng maulap at pabugso-bugsong pagbuhos ng ulan ang namataang Low Pressure Area (LPA) sa Silangan ng Visayas region.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), huling namataan ang LPA sa layong 200 kilometro sa silangan ng Catarman, Eastern Samar (13.0°N, 126.5°E).

Bagama’t maliit na ang posibilidad na maging bagong bagyo, inaasahan namang mararamdaman ang epekto nito sa kabuuan ng maghapong ito.

Maliban sa LPA, aktibo pa rin ang Northeast monsoon o malamig na hanging amihan sa Luzon.

Ang dalawang weather system na ito ang pangunahing dahilan ng mga kaulapan sa iba’t-ibang bahagi ng ating bansa.

Ang gale warning naman o ang babala ng malalaking alon ay nananatili sa Northern Luzon seaboards kaya pinapayuhan ang mga mangingisda na maging maingat sa pamamalakaya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply