LPA sa GenSan nalusaw na

PAGASA-DOST

NALUSAW na ang low pressure area (LPA) na namataan kahapon sa layong 300 kilometro, timog silangang bahagi ng General Santos City, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Gayunpaman, ayon sa PAGASA patuloy namang makaaapekto sa Luzon ang northeast monsoon habang ang buntot ng cold front naman sa Eastern Visayas.

Dahil dito, magiging maulap na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan o pagkidlat-pagkulog ang Visayas at Mindanao.

Makararanas naman ang Bicol, Cagayan Valley, Aurora at Quezon nang maulap na kalangitan na may mahinang pag-ulan.

Samantala, ang Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap na papawirin na may dagliang mahinang pag-ulan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply