LPA sa Mindanao posibleng maging bagyo – PAGASA

PAGASA-DOST

MALAKI ang posibilidad na tuluyang maging bagyo ang low pressure area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa Mindanao region sa Huwebes.

Huling namataan ng PAGASA ang sama ng panahon sa layong 700 kilometro sa timog-silangan ng Mindanao at nakapaloob ito sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Ang weather system ang siyang magpapaulan lalo na sa bahagi ng CARAGA region at Davao provinces na inaasahan na makararanas ng moderate to heavy rains.

Sakali namang lumakas ito at maging bagyo, ito ay tatawaging bagyong Bising.

Kaugnay nito, muling nagbabala ang PAGASA sa mga apektadong lugar hinggil sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa bunsod ng naturang mga pag-ulan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply