LRAY VILLAFUERTE TARANTA SA TATAY

ALINGAWNGAW_Alvin-Feliciano_WEB

Mukhang lalong umiinit ang labanan sa Camarines Sur matapos halatang nataranta si Gov. LRay Villafuerte dahil umaangat ang standing ng kanyang ama na si Cong. Luis Villafuerte laban sa kanyang anak na si Migs, sa gubernatorial race ng nasabing probinsiya.

Balita kasing sumugod pa sa Maynila nitong nakaraang linggo si LRay upang pulungin ang mga batikang komentarista ng radyo at makisuyo na kilitiin o birahin ang kanyang amang si Luis.

Maging sa probinsiya raw ng Camarines Sur na hawak ng 9 na taon ni LRay ay hindi raw mapilit ang mga tao dahil iisa lang ang laging sinasabi ng mga ito at iyon ay hindi pa raw hinog ang batang si Miguel na ipinantapat ni LRay sa kanyang amang si Luis.

Sa hindi po nakaaalam, si Miguel o Migs ay 23 taong gulang pa lamang at ngayon pa lamang nakikilala sa Camarines Sur dahil hindi naman daw madalas doon maglagi ang bata.

Marami rin daw nagalit kay LRay dahil lumalabas kasing ingrato raw itong anak dahil matapos niyang labanan ang kanyang ama ng ilang panahon ay pati ba naman daw kapatid nito ay isinubo sa labanan ng pamilya.

Lumakas din daw ang hatak ng matandang Villafuerte sa mga distrito ng lungsod dahil naging kaalyansa nito ang mga bigating politiko sa lugar katulad ng mga Andaya, Fuentebella at Arroyo.

Nagalit daw ang beteranong politiko sa lugar kay LRay dahil nilagyan sila nito ng katapat o kalaban katulad na lang daw ni Aga Muchlach, na inilaban ng kasalukuyang gobernador sa mga Fuentebella.

Maging ang laban daw ni LRay sa pagka-kongresista sa ikalawang distrito ng Camsur ay tumatagilid dahil todo suporta raw ang ama nitong si Luis sa incumbent at anak ni CGMA na si Dato.

Lagi raw kasing sinasamahan ni Luis si Dato sa lahat ng kampanya nito at talagang binabanatan nito ang kanyang anak na si LRay.

Tiyak na magiging kapana-panabik ang labanan sa CamSur kaya’t atin itong subaybayan dahil mayroon na namang haring babagsak sa naturang halalan.

###

Hanggang ngayon ay mas angat pa rin daw si dating Pasay Mayor Peewee Trinidad sa labanan sa pagka-alkalde ng nasabing lungsod.

Kahit daw ang maperang si Jorge del Rosario at ang nakaupong si Tony Calixto ay di raw kayang tibagin ang matandang si Peewee Trinidad.

May moog daw kasing itinatak¬† ang matandang si Peewee sa mga taga-Pasay kaya’t hindi ito makalilimutan.

Subaybayan natin ang Pasay dahil tiyak na marami ritong magaganap na kapana-panabik na kilos ng matanda at maperang politiko.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply