LRT handa na sa Pista ng Black Nazarene

lrt-line-2

HANDA na ang Light Rail Transit Authority (LRTA) sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa Pista ng Black Nazarene sa Miyerkules, Enero 9.

Tiniyak ni LRTA Officer-in-Charge, Engr. Emerson L. Benitez, na sapat ang station at security personnel na ipakakalat sa naturang araw para sa kaligtasan ng mga mananakay.

Sinabi ni Benitez, na daragdagan ang mga help desk, medical personnel at Red Cross volunteer, partikular na sa UN Avenue, Central, Carriedo, D. Jose at Recto stations.

Ani Benitez, inaasahan na ang maraming pasahero ng LRT tuwing Pista ng Itim na Nazareno dahil marami aniya ang ayaw maipit sa trapik.

Papayagan din ang mga nakayapak na deboto na sumakay sa LRT.

Sa talaan ng LRT, umabot sa 620,987 ang bilang ng mga pasahero sa LRT Line 1 sa araw ng Pista ng Itim na Nazareno noong isang taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply