Lubak-lubak na daan iwasan sa prusisyon – M’cañang

black-naza

UMAPELA ang Malakanyang sa mga deboto ng Itim na Nazareno na iwasan ang ilang lubak-lubak o sira-sirang daan sa McArthur Bridge para maiwasan ang aksidente.

“Tomorrow, January 9 (Feast of the Black Nazarene) and Secretary (Rogelio) Singson issued an advisory regarding the use of Quezon Bridge,” ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda.

Nakipag-ugnayan na aniya si Sec. Singson kay Manila Mayor Alfredo Lim, mga taga-Simbahan, Church leaders ng Quiapo para sa paggamit ng McArthur Bridge.

“It was found to have some corroded parts so ang pakiusap lang ni Secretary Singson ay kung pwede iwasan na lang muna (‘yung parts na ‘yon doon) sa Quezon Bridge,” ayon kay Sec. Lacierda.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply