Lumang riles ng LRT1 sisimulan nang palitan

riles-ng-LRT1

NAKALATAG na ang proyekto sa pagpapalit ng mga bagong riles sa LRT Line 1 ngayong taon.

Ayon kay LRTA spokesman Atty. Hernan Cabrera, napirmahan na ang kontrata para sa rehabilitation project sa mga riles ng LRT1 na aabot sa halagang P269 na milyon.

Paliwanag ni Cabrera, 30 taon na ang mga lumang riles kaya’t kailangan na itong mapalitan.

Kapag napalitan na ang mga riles, mas mapapabilis na aniya ang biyahe ng mga tren na mula sa dating 40 kilometers per hour (kph), ay magiging 60 kph na.

Pirmado na rin ang kontrata para sa pagpapalit guntry post (ang humahawak ng kable ng kuryente ng tren) na aabot naman sa halagang P150 milyon.

Sisimulan ang pagsasaayos ngayong buwan pero aabutin ng tatlong taon ang pagpapalit ng riles at guntry post dahil gagawin lang ang repair kapag tapos na ang mga operasyon ng biyahe ng mga tren sa gabi.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply