Maagang enrolment, itinataguyod ng DepEd

enrollment

BILANG kampanya sa programang early registration o maagang enrolment, itataguyod ng Department of Education-National Capital Region ang Kick-off Walk sa Enero 25.

Ganap alas-sais sisikad ang paglalakad sa pasimuno ni Education Secretary, Bro. Armin A. Luistro, na nais ng DepEd na ma-enrol lahat ang mga bata.

Nabatid na nakipag-ugnayan na rin ang DepEd sa local government units at pribadong grupo para mairehistro ang mga bata sa nationwide early registration sa Enero 26.

“We have directed Special Education officials, teachers, NGO workers and PWD volunteers to conduct an orientation on the screening and identification of children and youth with disabilities so that they too can be registered and be in school in June,” pahayag Sec. Luistro.

Bukod sa PWD learners, target din ng early registration ang mga batang kabilang sa mga indigenous peoples, out of school children and youth na hindi pa nakapasok sa paaralan kabilang ang mga batang lansangan na nagkaka-edad ng lima hanggang 18 taong gulang.

Ayon sa DepEd, gagamitin nila ang mga datos gaya ng dami ng bilang ng estudyante para makagawa sila ng karampatang hakbang tulad ng paghahanda ng silid-aralan, paglilimbag at pagdadala ng mga gamit pang-eskwela gaya ng libro.

“The early registration will give the department enough lead time to bridge resource gaps even before classes open in June,” pahayag Education Secretary Armin A. Luistro.

Hiniling din ng DepEd sa mga magulang na iwasang magpalista sa araw mismo ng pasukan dahil magdudulot ito ng problema.

Idinagdag ng kalihim na target ng gobyerno na makamit ang education for all (EFA) goal tungo sa pagtupad sa millennium development goal o MDG.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply