MAAYOS NA TIANGGE SA SINGAPORE

ito-ang-totoo-colored

WALANG masama sa pagkakaroon ng Tiangge o “night market,” katunayan, may maidududot pa itong mabuti.

Ito ang Totoo: kapag nasa tamang lugar at tama ang pamamalakad, pagkakataon ito para may mapuntahan ang mga turista at lalo na ang mga lokal na mamamayan para makapamasyal at makapamili.

Halimbawa nito ang tiangge sa Pagoda St. sa Chinatown ng bansang Singapore.

Dito nakita natin ang maayos na mga stall na hindi mukhang iskwater, malinis ang paligid at hindi nakaaabala o naglalagay sa panganib ng kapwa sa  mga nagtitinda, mamimili at dumaraan.

Maganda  ang porma at kalidad ng mga paninda, maraming mura at may mamahalin din dito sa tiangge sa street ng Pagoda.

Ito ang Totoo: kung ganito sa Singapore ang mga tiangge o night market sa lungsod ng Olongapo at kahit sa Subic Bay Freeport (SBMA), baka naisin pa ng publiko na maging permanente ang mga ito.

Ang pagkakaroon ng maayos na plano at pagiging disiplinado ng mga organizer at nagtitinda, kapag malinis ang kapaligiran at may mga dekalidad na panindang kahit may mamahalin ay marami na ang presyong abot kaya rin, ay mga katangian ng tiangge o night market na pwedeng kasiyahan.

At ang pinakamahalaga, dapat tama ang kwenta at talagang papasok sa kaban ng bayan ang ibinabayad.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply