Mabagal na pagbabayad ng buwis sa QC Hall, inalmahan

tax-1

INANGALAN kahapon Enero 19, 2013 (Sabado) ng Quezon City taxpayers ang mabagal na proseso na ipinatutupad ng QC government sa sistema ng pagbabayad ng buwis matapos magwala ang ilang nagbabayad ng buwis sa haba ng pila.

Halos magkaroon ng kaguluhan nitong nakalipas na Huwebes (January 17, 2013) at Sabado( January 19, 2013) sa Quezon City Hall matapos magreklamo ang mga tax payers sa napakahabang pila ng mga nagbabayad ng buwis.

Isang Ella Lovino taxpayer at event coordinator ang halos magwala sa second floor ng QC hall habang nakapila para magbayad ng buwis.

Inirereklamo ni Lovino ang hindi pakikipag-communicate sa kanila ng mga opisyal ng Quezon City Hall dahil umaga pa lamang ay nakapila na sila at inabot na sila ng hapon ay hindi pa rin sila nakakapag bayad ng buwis.

Sinabi pa ni Lovino na mali ang sistemang ipinatutupad ng mga opisyal ng QC Hall dahilan para humaba ang pila ng mga nagbabayad ng buwis.

Kaugnay nito, isang taxpayer na babae na may edad na 30 hanggang 35 anyos ang halos magwala sa second floor ng QC Hall nitong nakalipas na Enero 19, 2013 (Sabado) dakong alas 3:30 ng hapon dahil umaga pa lamang ay nakapila na siya at hapon na ay hindi pa rin siya nakakapagbayad ng buwis.

Inirereklamo ng naturang taxpayers na walang opisyal ng QC Hall ang nakikipag-usap sa kanila para magpaliwanag .

Sa kabila nito, tiniyak naman ni Business Permit and Licensing Office (BPLO) chief Gary Domingo na inaayos na nila ang sistema ng pagbabayad ng buwis upang mapabilis ang pagbabayad ng buwis.

Isinisi din ni Domingo na ang maling sistema ng mga taxpayers na sa last minute nagbabayad ng kanilang buwis ang dahilan ng mahabang pila sa pagbabayad ng buwis sa QC Hall.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply