MABAHONG BUNGANGA NG PNP OFFICIAL

pakurot

DAPAT maimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) at National Police Commission (Napolcom) ang isang Sr. Insp. Roy Caguioa, nakatalaga sa Cabuyao Police dahil sa pagkakaroon nito nang mabahong bunganga.

Hindi basta branded toothpaste at mouth wash ang dapat gamitin ng opisyal na ito bilang panlinis sa kanyang bastos na bunganga subalit kailangan nito ng Lysol o mas matindi pang disinfectant.

Bakit? Hindi lang walang modo ang pulis na ito subalit mababang uri ang kanyang pagkatao. Mahusay itong magmura tulad ng pagbigkas ng “P…I..” at “papatayin kita.”

Palasak na rin pos a bunganga nito ang pagsasabi ng “tanga ka.!” Hindi niya alam na ang kausap niya ay hindi basta-basta sumulpot sa bundong ito subalit ang sinasabihan niya ng tanga ay nagtapos bilang CumLaude kahit pa sahihin sa isang state university.

Sabagay, kung matalino ang police official na ito, dapat sana ay matunog na ang kanyang pangalan sa larangang kanyang pinasok subalit bakit “Kapitan Kamote” pa rin siya? Kung matalino siya, dapat ay hindi lang ito ang ranggo niya.

Ano nga ba ang mapapala ng kanyang mga kamag-anak sa kanya? Kahihiyan lang naman dahil sa pagiging palamura niya at mayabang na asal na akala mo ay napakatalino niya. Wala nga siyang maitulong sa kamag-anak na nangangailangan na sa halip na matulungan ay binigyan pa niya ng kahihiyan.

Interior and Local Government Secretary Mar Roxas at PNP chief Dir.Gen. Alan Purisima,  walisin na sa hanay ng pulisya si Caguioa at mga katulad niya na puro pananakot sa kapwa ang ginagawa.

+ + + + + + +

Hanggang ngayon wala pa ring mapiling mailagay sa Bureau of Corrections (BuCor) si Pangulong Benigno Aquino III at Department of Justice Secretary Leila de Lima maaaring dahil may kanya-kanya silang minamanok.

Hindi kaya ng nakatalaga ngayong Officer-in-Charge sa BuCor ang pamamahala ng mga kaganapan sa kanyang nasasakupan sapagkat hindi naman nito naging forte ang pangangasiwa sa libo-libong tao lalo na ang mga preso.

Kamakailan ay isang preso ang nagbigti sa medium compound subalit ipinipilit ng mga prison guard na may foul-play dahil lang sa gusto ng mga ito na maparusahan ang kasamahan ng nag-suicide.

May mga testigo na nagpapatunay na talagang nagbigti ang preso subalit hindi pinakikinggan? Makabubuting tingnan ni PG Eugene Ciruela, imbestigador, ang resulta ng medico-legal upang makita kung may foul play o wala.

Pilit din itinatago ng BuCor ang insidente upang hindi namainit ang manok ni de Lima sapagkat gusto na ito ng mga empleyado at preso sa NBP dahil batid nilang medyo malambot ito. Kaya umano nilang pasunurin basta may kapalit.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply