Madugong besperas ng Bagong Taon

crime11

RIZAL – Patay ang isang bagitong pulis habang malubhnag nasugtan ang isa pa matapos na ratratin habang nagsasagawa ng checkpoint sa tapat ng kanilang istasyon noong bespiras ng bagong taon sa bayan ng Rodriguez.

Kinilala ni Rizal PNP director P/Sr. Supt. Rolando Anduyan ang biktima na si PO1 Paul Martin Nuyles, habang nilalapatan naman ng lunas sa H-Ville Hospital si PO1 Raymundo Robel kapwa nakatalaga sa COMPAC 3 ng Rodriguez PNP.

Arestado naman sa isinagawang follow up operation ang mga suspek na sina Mario Gonzales, 25 anyos, kapatid na sina Joseph, 35; Ricky, 33 pawang residente ng Blk. 4, lot 1, Marikina Heights, Brgy. San Jose; Ruben Dolorais, 30 anyos, ng NTA Village, Brgy. San Jose; Danilo Ganula, 43 anyos, at Lamberto Labuiez, 27 anyos, kapwa ng Montalban Heights, brgy. San Jose ng nasabing bayan.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-6:0 ng gabi noong Disyenbre 30, sa COMPAC-3 na matatagpuan sa Don Mariano Extn.Highway, Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal.

Nabatid na nagsasagawa ng “Operation Oplan Sita” ang mga biktima kasama si PO3 Allan Bentazal nang bigla na lamang dumating ang mga suspek at agad na pinagbabaril ang mga biktima bago nagsitakas.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo nang mga suspek na tumanging magbigay ng pahayag.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply