Mag-aama natagpuang patay sa Sta. Cruz, Maynila

3-dead

HINIHINALANG sapilitang pinainom ng silver cleaner ang isang 16 anyos na estudyante, habang may mga pasa sa katawan at tama ng matigas na bagay sa ulo ang kapatid nito.

Patay din ang kanilang ama nang matagpuan ang mga ito sa kanilang tahanan sa Sta.Cruz, Manila kaninang tanghali.

Kinilala ang mga biktimang sina Jacinto de Guzman, vendor ng manok sa Trabaho Market sa Sampaloc at residente ng 2411 Leonor Rivera St., Sta.Cruz at katabi nito sa kama ang anak na dalagita na wala ring buhay.

Samantala, nasa lapag ng kama ang wala ding buhay na si Jeramil de Guzman, 17 anyos, ng nasabing lugar.

Batay sa ulat na isinumiti ni Det. Paul Dennis Javier kay P/Sr. Insp. Ismael dela Cruz, hepe ng Manila Police District-Crime Against Persons Investigation Section, dakong 11:00 ng tanghali nang madiskubre ang mga wala ng buhay ng mag-aama sa nasabing lugar.

Ayon kay ginang Editha de Guzman, ina ng magkapatid, kapwa silang mag-asawa na vendor ng manok sa Trabaho Market sa Sampaloc, at nagtataka umano si misis na kung bakit ng araw na iyon ay hindi sumama sa kanya si mister at nagdahilan umano itong masakit ang tiyan.

Ganoon na lamang ang gulat ni misis nang mabalitaan nitong patay na ang kanyang asawa’t dalawang anak.

Nabatid naman sa isa pa nilang anak na lalaki na nasa edad 12, nagtulug-tulugan umano siya noon at dinig na dinig nito ang kanyang ate ang pagmamaka-awa nito sa kanilang ama.

Gayunman, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya, upang matukoy ang salarin at kung paano nangyari ang ganoong insidente, habang ang mga ito’y isinailalim sa awtopsiya ng Cruz Funeral Morgue.

Mag-aama natagpuang patay

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply