Mag-asawa tiklo sa shabu sa General Santos

behind-bars-2

ARESTADO ang mag-asawa sa buy-bust operation makaraang mahulihan ng isang sachet ng sabu sa General Santos City.

Nakilala ang mga nahuli na sina Beng at Putik Giman, ng Barrio Blaan Community Village Labangal, ng naturang lungsod.

Nakuhaan din ng P500 na marked money, 10 aluminum foil at dalawang lighter ang mga suspek.

Kakasuhan ngayong araw ang dalawa sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nasa kustodiya na ng Pendatun police station ang mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply