Mag-asawang sangkot sa Aman scam sumuko sa NBI

NBI

KUSANG sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mag-asawa na kasama sa mga isinasangkot sa multi bilyong pyramiding scam na Aman Futures.

Ayon kay NBI Director for Regional Operations Services, Atty. Virgilio Mendez, sumuko ang mag-asawang sina Fernando at Nimfa Luna.

Sinabi ni Mendez, na nauna na siyang nakatanggap ng tawag mula sa abogado ng mga suspek na nagsasabing susuko na ang dalawa.

Humarap ang dalawang suspek kay Justice Sectreyary Leila de Lima at sila ay nakatakdang dalhin sa Pagadian City upang harapin ang mga kaso laban sa kanila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply