Mag-asawang tulak ng droga, nalambat ng PDEA

behind bars

SWAK sa kulungan ang isang mag-asawa na nasa target list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos umanong pagbilhan ng shabu ang isang PDEA agent sa Basilan.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G Cacdac,Jr. ang  nadakip na suspek na si Rakib Hamid, alias Rakib Absing, 47, walang trabaho at nasa Number 1 target-listed drug personality ng Basilan at ang kanyang 51 taong gulang na asawa na si Nurayyam, alias Nurrayam Rakib/Uray, kapwa residente ng  Sunset Village, Barangay Tabuk, Isabela City, Basilan.

Ayon sa PDEA, si Hamids ay nadakip ng mga operatiba ng PDEA Regional Office 9 (PDEA  RO9) Basilan sa ilalim ni Director Adzhar Albani at Basilan Provincial Police office sa  isanagawang buy-bust operation nitong nakalipas na Enero  21, 2013 sa Barangay Tabuk.

Matapos madakip nakuha pa mula sa mga suspek ang dalawa pang sachet ng hinihinalang shabu, digital weighing scale at tatlong piraso ng 500 peso bill na ginamit sa buy-bust money.

Nabatid sa intelligence reports na ang mga suspek ay dati nang may record ng pag-aresto dahil sa paglabag sa Republic Act 9165, or The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek sa PNP Isabela City station detention cell dahil sa paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) and Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) of R.A. 9165.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply