Mag-asawang tulak ng shabu, timbog ng PDEA

behind-bars

NADAKIP ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang isang magka live-in matapos mahuli sa aktong nagbebenta ng shabu sa isang poseur buyer  sa General Santos City.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G Cacdac, Jr. ang mga nahuling suspek na sina Bienvenido Campus, 43 anyos , isang habal-habal driver, at kalive-in niya na si  Merlina Morales, 43,  factory worker at kapwa residente sa Lanoy Compound, Barangay Calumpang, General Santos City.

Nauna rito, undercover agent ng PDEA Regional Office 12 (PDEA RO12) na umaktong buyer ang nakipagtransaksiyon sa mag-asawa hinggil sa bentahan ng shabu at sila’y nagkasundong magkikita sa isang bakeshop sa kahabaan ng National Highway sa Barangay Calumpang noong January 14, 2013.

Matapos magkaabutan ay agad ding dinakma ang mag-asawa ng ibang mga tauhan ni Director Aileen Lovitos kung saan nakuha sa mag-asawa ang may 5 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P 35,000, isang unit ng XRM Honda motorcycle (QN 2059) at P1,000 marked money na ginamit sa transaction.

Dahil dito, kinasuhan ng paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, kilala sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang nahuling mag-asawa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply