Magpinsan timbog sa buy-bust operation sa CDO

crime-fugitive

HINDI na nagawang makapalag ang dalawang mag-pinsan sa ginagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa barangay Gusa, Cagayan De Oro City.

Kinikilala ang mga suspek na sila si Ronald at Ronnel Cabanes, nasa hustong gulang at kapwa nakatira sa nasabing lugar.

Ayon kay Police Senior Inspector Ivan Biñas, hepe ng Agora Police Station, matagal na silang nakatatanggap ng report na ang magpinsan ay magkasabwat sa bentahan ng droga sa naturang lugar.

Dahil dito, isa sa kanilang police asset nagkasa ng transaksyon at nagpanggap na buyer ng droga.

Makaraang magpositibo ang transaksyon, ikinasa ng mga awtoridad ang operasyon at nadakip ang magpinsan.

Nakuha sa suspek ang tatlong sachet ng shabu at marked money na nagkakahalaga ng P500.00.

Detinado ngayon sa Maharlika detention center ang mga suspek at sasampahan na rin ng kaukulang kaso.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply