Mag-utol kinatay ng kainuman sa Tuguegarao

crime9

HUMANTONG sa malagim na trahedya ang isang masayang inuman ng magkakaibiagn nang pagsasaksakin ang isang magkapatid ng kanilang kainuman sa Tuguegarao, Miyerkules ng madaling araw.

Kapwa namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang magkapatid na sina Loreto at John Cabauatan residente ng Barangay Cataggaman Pardo sa lungsod ng Tuguegarao, sanhi ng tinamong saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Sinabi ni PSupt. Mariano Rodriguez, hepe ng PNP Tuguegarao, agad namang naaresto ang suspek na si Florentino Casauay, residente rin sa nasabing barangay at sasampahan ng kaukulang kaso.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-12:45 ng madaling araw sa tapat mismo ng bahay ng suspek.

Bago ito, nag-iinuman ang tatlo sa loob ng bahay ng mga biktima.

Ngunit nang pawang malasing ay nagpahatid ang suspek sa mag-utol at sa gitna ng kanilang paglalakad ay nagtalo.

Bago naman kuyugin nina Loreto at John, nakatakbo papasok sa kanilang bahay ang suspek at paglabas ay pinagsasaksak ang magkapatid.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply