Magandang ekonomiya, inaasahang magpapatuloy ngayon 2013

MALAKI ang pag-asa na mapananatili ng bansa ang malakas na ekonomiya ngayong taong 2013.

Ang pananaw na ito, ay ipinahayag ni Budget Secretary Butch Abad, bunga ng government spending na inaasahang tataas pa ngayong 2013 at midterm elections sa Mayo.

Aminado si Abad na karaniwan ng lumalago ng halos 7% ang ekonomiya ng bansa tuwing nalalapit ang local at national elections.

Sinisimulan na rin ang reporma sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno para sa improvement ng kanilang spending programs.

Target naman ng Aquino administration ngayong taong 2013 ang 6%-7% economic growth rate.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply