Magkumpare nagduwelo sa patalim, 1 patay

crime8

NAUWI sa duwelo ang mainitang pagtatalo ng magkumpare na nagresulta sa pagkamatay ng isa habang nasa kritikal na kalagayan ang isa pa sa Parañaque City.

Dead on arrival sa Dr. Florencio Bernabe Memorial Hospital ang biktimang si Lino Fabe, 63, karpintero, naninirahan sa squatters area sa gilid ng Geologistics Building, Ninoy Aquino Avenue, Barangay Santo Niño, sanhi ng malalim na saksak sa kaliwang dibdib.

Kritikal naman at inilipat sa Philippine General Hospital si Alfredo Alpersula,45 ng Tabon, Barangay La Huerta sanhi ng malalim ding tama ng saksak sa tiyan.

Sa imbestigasyon nina SPO1 Rudy Dimson at PO3 Joel Romantico ng Homicide Unit ng Parañaque police, dumalo muna ang dalawa sa isang binyagan kung saan kapwa sila kinuhang ninong na naging dahilan ng kanilang pagiging magkumpare.

Matapos ang binyagan, isinama pa ng biktima sa kanilang bahay si Alpersula upang doon sila magkasiyahan bilang selebrasyon na rin ng kapistahan ng Sto Niño.

Alas-6:45 ng gabi nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang magpasyang mag-duwelo sa patalim.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply