Maglola sa Cebu kinatay; 2 suspek tiklo

crime-scene-4

NAIHAWLA na kagabi (Enero 30) ang dalawang kalalakihang kumatay sa isang maglola sa Cebu nitong nakaraang Lunes.

Sinampahan na kaninang umaga (Enero 31) ng kasong robbery with double homicide sa korte ang mga suspek na sina Ruben Tabi-on, 20-anyos at Rommel dela Peña, 21.

Kinilala naman ang mga napatay na sina Patricia Batoy, 74-anyos at apong si Angelica Pasilaban, 9-anyos, na kapwa residente ng Barangay Kabangbang sa Bantayan town, Cebu.

Nagtamo si Batoy ng 15 saksak sa iba’t ibang parte ng katawan samantalang lima naman ang ibinaon sa katawan ni Pasilaban.

Lalo namang napagtibay na sina Tabi-on at Dela Peña ang mga salarin nang marekober sa kanila ang P4,000 cash na pinaniniwalaang kabahagi ng perang natangay sa maglola at ang singsing ni Batoy sa ikinasang follow-up operation ng pulisya.

Matatandaan na nitong Lunes ng gabi lamang, natagpuan ang bangkay ng maglola na tadtad ng saksak at kapwa wala ng buhay sa loob ng kanilang bahay.

Lumabas din sa imbestigasyon na sinira ng mga suspek ang bubungan ng maglola at doon dumaan papasok ng bahay.

Pinaniniwalaan ding natunugan sila ng maglola kaya nsila pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang mga biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply