Magnitude 4.6 na lindol tumama sa Cam Norte

INUGA ng magnitude 4.6 na lindol ang Camarines Norte, kaninang alas-12:33 ng madaling araw.

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang lindol na tectonic ang origin sa layong 104 kilometro (km) hilagang-silangan ng bayan ng Paracale at may lalim na 19 km.

Naramdaman ang Intensity II na pagyanig sa Guinayangan, Quezon.

Wala namang naitalang pinsala o nasaktan sa lindol.

Wala ring inaasahang aftershocks.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply