MAGPAKABUSOG NA KAYO SA BOC

Allan-Encarnacion-mano_mano-web-copy

PARA po sa kapakanan ng mga tumawag, nag-text,  nag-email sa atin at nag-iwan ng mensahe sa facebook tungkol sa artikulong lumabas sa ating kolum na hindi naman talaga sa atin, humihingi po tayo ng paumanhin.

Nakuwestiyon tayo noong Biyernes dahil ang nakalabas sa print ay pinagre-resign na natin ang pinakainutil na Customs Commissioner Ruffy Biazon dahil sa kanyang mga kapalpakan pero sa online edition ay pinaliguan natin ng papuri.

Nagkaroon lang po ng konting problema, ayon sa mga editor at alam naman nating hindi nila iyon sinasadya.

Una kasi ay imposibleng mapuri si Commissioner sa kolum natin dahil nang isilang ang hari ng sablay sa administrasyong Aquino ay napangalanan nang Ruffy Biazon at ang pumutol pa ng pusod ay ang dalawang babaeng mahilig makialam ng mga transaksyon sa Customs.

Kaya naman natin siya pinagre-resign nang maaga para hindi na niya abutan ang nakarating sa ating impormasyon na may napili na si Noynoy na makakapalit niya.

Markado kay Noynoy ang P60 bilyon shortfall sa koleksyon ng Customs sa liderato ni Biazon dahil first time itong nangyari sa kasaysayan ng Aduana.

Ang balita natin, hindi maalis ang init ng ulo ni Noynoy dahil sa report ng IMF na sa kanyang administrasyon nangyari ang kapistahan ng mga smuggler na mas masahol pa sa panahon ng Arroyo at Estrada government.

Hindi makapaniwala si Noynoy na habang lumalakad sa matuwid na daan ang kanyang pamahalaan ay walang ginawa ang mga taga-Customs kundi humukay ng sarili nilang liko-likong daan.

Pebrero ang sinasabing pagsipa kay Biazon kaya iyong mga nagpapakabusog d’yan sa Customs ay bilisan n’yo na ang pag-iipon dahil malapit nang matapos ang inyong kaligayahan.

Kaya pala iyong dalawang bruha, mas lalong naging mabangis sa pangongotong sa smugglers at pag-divert sa mga grupo nilang brokers ng mga dumarating na shipments.

***

Isa pang isyung nabanggit sa na-plagiarized na kolum ko ay ang malaganap na illegal gambling sa Region 4-A.

Bagama’t totoo naman ang talamak na jueteng ang naging sanhi ng masaker sa Atimonan, Quezon, may mga pangalan din na lumabas sa kolum na hindi naman natin isinulat.

Umaasa tayong hindi na ulit mangyayari ang kababalaghan ng paglabas ng hindi natin isinulat sa ating kolum.

Sorry na, puwede ba?

allanpunglo@yahoo.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply