Magre-repost, magre-retweet, mala-libel sa ilalim ng Cybercrime Law

MAKAKASUHAN ng ‘cyber libel’ ang isang indibidwal na magre-repost at magrere-tweet ng mga pahayag na maikukonsiderang defamatory sa ilalim ng Republic Act No. 10175 (Cybercrime Prevention Act).

Nilinaw ni Solicitor General Francis Jardeleza na kasali dito ang pag-like at pag-share ng mga status o tweet na maikukonsiderang libelous.

Sinabi rin ng Solicitor General na walang idinetalyeng hiwalay na parusa para sa Cyber Libel sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act na idinidikta lang na mas mataas ng isang antas ang parusa rito kumpara
sa parusa sa ordinaryong libel sa ilalim ng Revised Penal Code.

Kaugnay nito, nilinaw ni U.P. Law Professor Atty. Harry Roque na bagama’t malaki ang nagiging pag-usad ng bagong batas ay ayaw niyang pangunahan ang kahihinatnan nito.

Samantala, kinuwestyon din ng mga mahistrado ang pagiging “vague” o hindi tiyak na ilang probisyon ng batas katulad na lang ng ano ba ang puwedeng ituring na “due case” para masabing may paglabag nga sa Cybercrime Law.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply