Mahigit 10 magsasaka sa Abra nakitaan ng sintomas ng anthrax

anthrax

MAHIGIT sampung magsasaka sa Abra ang nakitaan ng sintomas ng sakit na anthrax.

Ayon kay Dr. Lyndon Leesuy, program manager ng Emerging at Re-emerging Diseases ng Department of Health (DOH), sa alagang hayop nagmula ang anthrax na tumama sa mahigit 10 magsasaka sa Lagangilang, Abra.

Nabatid kay Leesuy na kadalasang nagkakaroon ng sugat ang isang indibiduwal na tinamaan ng anthrax.

Kaugnay nito, pinayuhan ni Leesuy ang publiko na huwag kainin ang halagang hayop na mayroong sakit dahil kung may anthrax ito ay mahahawa sila dito.

Kinalma naman ng DOH ang publiko ukol sa pagkalat ng naturang sakit. Ayon sa DOH, hindi airborne disease ang anthrax.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply