Mahigit 2,000 pasahero stranded sa Bicol region dahil sa bagyong Bising

STRANDED ngayon ang mahigit 2,000 pasahero sa Bicol region dahil sa bagyong Bising.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), batay sa huling tala ng Philippine Port Authority (PPA) sa lalawigan ng Sorsogon, umabot na sa 1,249 pasahero ang stranded sa Matnog Port.

Mayroon namang 29 na bus, 26 na truck at 18 light vehicles ang stranded din sa nasabing pantalan.

Maliban dito ay mayroon din 343 na stranded na pasahero sa Pilar Port sa lalawigan pa rin ng Sorsogon.

Gayundin sa Legazpi port na may 40 pasaherong stranded, 138 sa Tabaco Port at 248 naman sa Piuduran Port sa lalawigan naman ng Albay.

Apat na barko din ang nakatigil sa nasabing pantalan habang 33 ang mga truck, 6 na bus at 8 mga light vehicle.

Ayon sa PCG, inaasahang tataas pa ang bilang ng mga stranded na pasahero hanggat nananalasa ang masamang panahon dulot ng bagyong Bising.

Papayagan lamang makapaglayag ang mga sasakyang pandagat kapag inalis na ng PCG ang paghihigpit sa pagbiyahe.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply