Mahigpit na security plan ipatutupad sa pagdating ni Amalilio

TUTUTUKAN ni NBI Director Nonnatus Rojas ang security plan hinggil sa pagdating sa bansa ni Aman Futures Group Philippines Incorporated founder Manuel Amalilio mamayang gabi.

Tiniyak ni Rojas na gagawin nila ang lahat para sa kaligtasan ni Amalilio, lalo’t marami ang mga galit na biktima ng pyramiding scam na ibig makaganti at posibleng manakit sa Aman founder.

Sa initial plan, nakaposas na ilalabas si Amalilio mula sa eroplano paglapag sa arrival area at susuotan ito ng bulletproof vest, isasakay sa bulletproof van at magko-convoy ang maraming escort vehicles ng NBI hanggang sa makarating ito sa NBI headquarters sa Taft Avenue sa Maynila.

Ikukulong si Amalilio sa NBI detention cell habang nagpapatuloy ang pagdinig sa kasong may kaugnayan sa P12 billion pyramiding scam.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply