Makiisa sa National Bible week – Cardinal Tagle

tagle1-300x168

INAANYAYAHAN ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang lahat ng mga mananampalatayang Pilipino na makilahok sa pagdiriwang ng National Bible week sa buong bansa.

Ito ay gaganapin sa ika-21 hanggang ika-27 ng Enero.

Hinimok ni Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na makiisa at makilahok sa iba’t-ibang gampanin ng parokya, mga paaralan at mga Diocese na nakapaloob sa national bible week.

Sinabi ng Kardinal na sa pamamagitan nito ay lalong lumalalim ang ugnayan ng tao sa Panginoon.

Ayon pa sa Kardinal, ang pakikinig ng salita ng Diyos ang siyang pangunahing gampanin para sa pakiisa sa buhay ng Diyos.

Umaasa si Cardinal Tagle na huwag sayangin ng mga mananampalatayang Katoliko ang pagdiriwang at maging pamamaraan ito para lumalim lalo ang ating pagkilala sa Diyos.

“Kayo po ay aming inaanyayahan na makiisa sa iba’t-ibang mga gampanin sa inyong mga parokya,sa inyong mga paaralan, sa mga Diocese na napapaloob sa pagdiriwang ng national bible week mula ika-21 hanggang ika-27 ng Enero 2013.

“Sa taon po ng pananampalataya, tayo po ay inaanyayahan na makilahok sa buhay ng Diyos, lumalim ang ugnayan natin sa kanya at isang pangunahing gampanin para maganap yan ay ang pakikinig sa kanya sa pamamagitan ng kanyang mga salita.

“Huwag po nating sayangin ang pagdiriwang ng national bible week,maging pamamaraan ito para lumalim lalo ang ating pagkilala sa Panginoon,” sabi ni Cardinal Tagle sa panayam sa radyo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply