Makulit na senglot tinarakan ng kainuman

BUMULAGTA sa kalye ang isang lasing na lalaki nang pagsasaksakin ng kanyang kainuman sa Quezon City, kaninang madaling araw.

Dead on the spot si Arnel Caguioa, 29, ng  Road 6, Purok 5, Sitio Kumunoy, Barangay Bagong Silangan.

Hinahanting na ngayon ng pulisya upang panagutin sa krimen si “Macmac Kirat Alvero na tumakas matapos ang insidente.

Sa imbestigasyon, naganap ang insidente dakong 2 a.m. malapit sa bahay ni  Caguioa.

Ayon kay Quisumbing, nag-iinuman ang suspek at tatlo pang kapitbahay nang dumating ang lasing na lasing na si Caguioa.

Ayon sa testigo, nagsimulang mangulit si Caguioa sa mga nag-iinuman kaya nagalit ang suspek at pinagsasaksak siya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply