Malakanyang: Pinsala ng USS Guardian sa Tubbataha, walang katumbas na salapi

MARIING ipinahayag ng Malakanyang na waalang katumbas na salapi ang pinsalang idinulot ng sumadsad na US Navy Ship na U.S.S. Guardian sa Tubbataha Reef sa Sulu Sea.

Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, kahit pa lumitaw sa report ng Task Force Tubbataha na 1,000 metro kwadrado lamang ang naging pinsala sa pagsadsad, hindi pa rin ito matatapatan ng salapi dahil isa itong world heritage site.

Batay sa pagtaya ng Tubbataha Management Office (TMO), posibleng umabot lamang sa P24 milyon ang sisingiling danyos ng gobyerno sa Estados Unidos.

Hindi pa naman makumpirma ni Lacierda kung may parusa ang mga tripulante ng USS Guardian nang balewalain ng mga ito ang babala ng TMO nang pumasok sa bahagi ng Sulu Sea.

Sinabi pa ni Lacierda na mabuti munang hintayin ang report ng binuong Task Force bago magkomento sa naturang isyu.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply