Malakanyang walang alam sa planong kudeta vs Enrile

abigail-valte

PINALAGAN ng Malakanyang ang ulat na may kinalaman sila sa umano’y nilulutong kudeta laban kay Senate President Juan Ponce Enrile.

Sa ulat, sinabi ni Senador Antonio Trillanes IV na suportado ng Malakanyang ang pagpapatalsik kay Enrile na malalaman aniya dalawang linggo mula ngayon.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, malabong makialam dito si Pangulong Benigno Aquino III dahil maganda aniya ang working relationship nito at ng Senate President.

Kung ipinagpipilitan ni Senador Trillanes ang bagay na ito, sinabi ni Valte na: “He would be in a better position to answer that question.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply