Malalim na imbestigasyon sa Quezon shootout ipinanawagan

atimonan3

HINDI kuntento ang ilang mambabatas sa mga samu’t saring impormasyon na naglalabasan kaugnay sa  barilan sa Brgy. Lumutan, Atimonan, Quezon.

Nanawagan si Quezon Rep. Rep. Lorenzo “Erin” Tañada III, na dagliang isagawa ang masinsinang imbestigasyon at upang linawin ang mga umugong na isyu na “rub-out” ang nangyari at may nagsasabing ito ay “shoot-out.”

Marami rin aniyang katanungang ang dapat masagot at malaman sa tunay na kaganapan sa pagkakasunod-sunod ng kaganapan at kung ano mismo ang nangyari.

Sa ngayon, ang tangi aniyang totoo at hindi maitatanggi ay 13 ang patay at isa ang nasugatan.

“Hindi dapat magkaroon ng patayan, kahit saan, lalo na sa aking distrito na kung saan ang mga mamamayan ay nais mabuhay ng mapayapa,” ayon sa kongresista.

Sinabi naman ni Quezon City Rep. Winnie Castelo na dapat paimbestigahan ni Pangulong Aquino ang insidente dahil sa pagkaiba-iba ng pahayag mula sa militar at pulisya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply