Malamig na panahon, asahan – PAGASA

cold-weather

NAGBABALA sa publiko ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na paghandaan ang mas malamig na panahon sa mga darating na araw.

Ayon kay PAGASA Weather Forecaster Fernando Cada, mararamdaman ang pinakamalamig na temperatura sa pagitan ng alas-5:00 hanggang alas-6:00 ng umaga.

Sinabi ng PAGASA na ang mararanasang pagbaba ng temparatura ay dulot pa rin ng hanging Amihan (Northeast Monsoon) na patuloy na nagpapalamig ng husto sa Luzon at Visayas.

Sa ulat ng PAGASA, naitala ang pinakamalamig na temperatura sa National Capital Region (NCR) noong Enero 17, na umabot ito sa 18.8 degrees Celcius.

Ayon sa PAGASA, paghandaan ang malamig na panahon at magdala ng pananggalang tulad ng jacket.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply