Malampaya Foundation, Inc. nangangalap ng iskolar sa Palawan

Nangangalap sa kasalukuyan ang Malampaya Foundation Incorporated ng mga magiging iskolar nito para sa taong 2013.

Handog ito sa mga kabataang Palawenyo na interesadong mag-enrol sa technical vocational scholarship program.

Ang nasabing programa ay tinaguriang Bridging Employment through Skills Training Scholarship Program o BEST Scholarship Program na pangalawang taon na ngayong ipinatutupad ng Malampaya Foundation Inc. sa pakikipagtulungan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at ng Puerto Princesa School of Arts and Trade (PPSAT).

Ngayong 2013, target ng Malampaya Foundation na magkaroon ng 30 iskolars para sa unang batch sa dalawang kursong pagpipilian ng mga ito. Ito ay ang Shielded Metal Arc Welding (SMAW) at ang Integrated Construction Skills and Building Operatives (ICS-BO) kung saan ay mayroon itong limang (5) kasanayan tulad ng masonry, general carpentry, plumbing, tile setting at electrical installation.

Nakatakdang magsagawa ng eksaminasyon at interbyu ang Malampaya Foundation sa mga aplikante sa Enero 30 at 31 sa PPSAT.

Noong nakaraang taon nakapagtala ng 60 mga iskolar ang napagtapos ng Malampaya Foundation, Inc. sa nasabing programa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply