Malaysian national namatay sa kalasingan

crimedeath

HINIHINALANG dahil sa kalasingan kaya’t bumigay ang katawan ng isang Malaysian national makaraang matagpuan na lamang itong walang buhay matapos ang magdamag na pakikipag-inuman sa kaniyang mga kaibigan kamakalawa ng gabi sa Pasay city.

Isinugod pa sa Makati Medical Center ng mga kawani ng Marriot Hotel sa Newport City ang biktimang si Khoo Teck Bee, 35, empleyado ng GWI Business Solution at pansamantalang nanunuluyan sa Manhattan Condominium sa Dela Costa St., Makati subalit patay na nang idating sa naturang pagamutan.

Batay sa isinagawang imbestigasyon nina SPO1 Roderick Navarro at PO3 Rodolfo Suquina ng Investigation Section ng Pasay police, magdamag na nakipag-inuman ang biktima sa dalawa niyang kaibigang Singaporean national na sina Ho Gim Koon, Gary, 35 at Yew Hin Phang, 39 sa Route 66 disco sa Makati city noong Miyerkules ng gabi na inabot ng hanggang alas-4 ng madaling araw ng Huwebes.

Dahil sa kalasingan, ipinasiya ng dalawa na sa tinutuluyang hotel na ni Yew Hin Phang sa Unit 748 Marriot Hotel patulugin ang biktima.

Dakong alas-5:30 ng hapon kamakalawa nang magpasiyang lumabas ng hotel upang kumain ang dalawang Singaporean at niyaya pa nila ang biktima subalit tumanggi ito at sinabing hindi pa maganda ang kanyang pakiramdam dahil sa labis na kalasingan.

Nang bumalik ang dalawang dayuhan pasado alas-9 ng gabi sa kanilang unit, nagulat sila nang makitang nakatihaya na ang biktima at hindi na humihinga kaya’t humingi na sila ng tulong sa pamunuan ng hotel.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply