Malaysian national natagpuang patay sa hotel

WALA ng buhay ng matagpuan ang isang Malaysian national sa inuupahang silid sa isang hotel sa Pasay City ng ka­ibigan nitong isa ring dayuhan matapos ang magdamag na pakikipag-inuman, kama­kalawa ng gabi.

Idineklarang dead on arrival sa Makati Medical Center ang biktima matapos isugod ng mga kawani ng Marriot Hotel sa Newport City si Khoo Teck Bee, 35, empleyado ng GWI Business Solution at pansamantalang nanunuluyan sa Manhattan Condominium sa Dela Costa St., Makati subalit idineklara ito na wala nang buhay.

Sa ulat ng Pasay City Police, magdamag na naki­pag-inuman ang biktima sa mga kaibigang Singa­porean national na sina Ho Gim Koon, Gary, 35; at Yew Hin Phang, 39, sa Route 66 Disco sa Makati City noong Miyerkules­ ng gabi na inabot ng hanggang alas-4 ng madaling-araw na ng Huwebes.

Dahil sa labis na kalasingan, pinatulog na lamang ang biktima sa tinu­tuluyang hotel ng kaibigang si Yew Hin Phang sa Unit 748 Marriot Hotel dahil di na nito kaya ang sarili. Iimbestigahan pa ng Pasay Police ang pangyayari kung may foul play sa pagkamatay ni Khoo o sadyang natural ang naging sanhi ng pagkasawi ng Malaysian.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply