Mangudadatu kay Misuari: Framework Agreement ng GPHL at MILF, suportahan

toto-mangudadatu

NANAWAGAN si Maguindanao Governor Esmael “Toto”  Mangudadatu kay Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari na suportahan ang Framework Agreement on the Bangsamoro (FAB).

Sinabi ng gobernador na mayroon na silang ginawang resolution kasama ang apat pang gobernador na nanawagan kay Prof. Misuari na suportahan ang Framework Agreement.

Ayon kay Mangudadatu, hindi lamang Moro Islamic Liberation Front(MILF) ang nanawagan ng suporta sa FAB kundi ang halos lahat ng sector.

Isasagawa ngayong araw sa bayan ng Buluan ang Regionwide Forum on Framework Agreemen na pamumunuan mismo ni Gov. Mangudadatu.

Samantala naging matagumpay ang isinagawang advocacy and educational program hinggil sa FAB na ginanap sa bayan ng Kabacan, North Cotabato.

Ayon kay municipal registrar head Gandy Mamaluba, umabot sa libo-libong mga mamamayan mula sa iba’t-ibang sektor ng nabanggit na bayan ang dumalo sa nasabing programa.

Dagdag pa nito,naging daan ang open forum upang ipaliwanag sa publiko ang tunay na nilalaman ng nilagdaang kasunduan.

Isa sa mga inimbitahang tagapagsalita si Prof. Bary Angkal ng Office of the First Vice Chairman ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) Central Committee.

Ipinaliwanag ni Angkal na hindi magkakaroon ng sariling watawat ang Bangsamoro government sakaling maitatag ito dahil sa malinaw namang isinasaad sa nasabing kasunduan na ang pamahalaang Bangsamoro ay sa ilalim pa rin umano ng pamahalaan ng Pilipinas.

Kaugnay nito, wala ding bubuuing armed forces ang Bangsamoro, bagkus ay itatatag lamang nila ang Bangsamoro Police.

Bagama’t hindi pa tapos ang nasabing probisyon, nilinaw naman ng tagapagsalita na hindi magiging kaaway ng Bangsamoro Police ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas.

Dadaan pa umano sa masusing proseso ang gagawing implementasyon ng nasabing grupo.

Sa panig naman ng wealth sharing, nabatid na kung dati, 30 porsiyento ang naiiwan sa Bangsamoro at 70 porsiyento ang napupunta sa National government, sa bagong kasunduan magiging kabaligtaran ito, 70 ang mapupunta sa Bangsamoro government at 30 porsiyento naman ang sa National Government, ayon pa kay Mamaluba.

Samantala, nagpahayag naman ng kanyang pagsuporta sa naturang kasunduan si University of Southern Mindanao (USM) Pres. Dr. Jesus Antonio Derije.

Sa kanyang mensahe, inihayag ng opisyal na sa pamamagitan nito, malaki ang pag-asang matutuldukan na ang matagal na kaguluhan sa Mindanao at makakamit na ang inaasam na kapayapaan sa lugar.

Ang educational program tungkol sa Framework Agreement ay pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng Kabacan sa pamumuno ni Mayor George Tan katuwang ang Kabacan Local Government Muslim Employees Association

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply