MANILA MAYOR ALFREDO LIM AT MANILA WATER NAGSANIB-PWERSA!

hilda-online-logo

Nagsanib-puwersa ang lungsod ng Maynila at ang Manila Water Company, ang konsesyunaryo ng silangang bahagi ng Metro Manila upang higit na isulong ang mga programa ng naglalayong pangalagaan ang kalikasan.

Kamakailan lamang ay pinangunahan ni Mayor Alfredo Lim kasama ang City Administrator na si Armando Andres at ang Barangay Captain na si Aldrin Lopez sa pagtatanim ng may 300 puno sa kahabaan ng Perlita Creek mula Vito Cruz hanggang San Andres.

Labis ang pasasalamat ni Mayor Lim sa Manila Water sa patuloy nitong pagbibigay-suporta sa pamahalaang lungsod sa mga programa nitong pangkalikasan.

Nagbigay rin ang Manila Water ng 150 pirasong gamit-panlinis sa mga residente bilang bahagi ng paglilinis ng mga estero ng lungsod kabilang na ang Perlita Creek.

Ang paglilinis ng mga estero ay isa sa mga ‘Toka’ o pakikiisa sa programang TokaToka ng Manila Water upang maging malinis ang mga daluyan ng tubig at mga kailugan sa Kalakhang Maynila.

Inilunsad ng Manila Water ang ‘TokaToka’, isang programang naglalayong maging isang kilusan upang hikayatin ang lahat na gawin ng bawa’t isa ang kanyang Toka o bahagi sa pangangalaga ng kalikasan upang muling buhayin ang mga maruruming daluyan ng tubig sa Metro Manila.

Maaaring gawin ng kahit sino ang anoman sa apat na ‘Toka’ kabilang na ang mga sumusunod:

1. Magtapon ng basura sa tamang paraan;

2. Magpasipsip o magpalinis ng inyong poso negro;

3. Magpakonekta sa sewer network ng Manila Water;

4. Suporta nang mga proyektong pangsanitasyon ng Manila Water sa mga komunidad.

Bilang bahagi ng programang TokaToka, kasalukuyan ding nagtatayo ang Manila Water ng mga karagdagang waste water treatment facilities upang siguruhin na ang gamit na tubig na pumupunta sa mga daluyan ng tubig ay malinis na at hindi na nakadaragdag pa sa polusyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply