Marikina City binisita ng Association of Barangay Secretaries ng Santa Maria, Ilocos Sur

LABIS na ikinatuwa ni Mayor Del De Guzman ang pagbisita ng mga miyembro ng Association of Barangay Secretaries ng bayan ng Santa Maria, Ilocos Sur sa lungsod ng Marikina ngayong araw ng Lunes.

Layunin ng pagbisita at lakbay-aral ng mga delegado mula sa Ilocos Sur na alamin ang ilang proyekto ng lungsod ng Marikina na maaari nilang kapulutan ng inspirasyon at maipatupad sa kanilang mga barangay.

Ilan sa kanilang binisita ay ang solid waste management ng lungsod na ipinatutupad ng City Environmental Management Office. Bukod sa pagbibigay ng leksyon sa mga programang kasalukuyang ginagawa ng tanggapan tulad ng Eco-Savers sa mga paaralan sa lungsod,  ipinakita rin sa mga bumista ang proseso ng paggawa ng mga paving blocks mula sa plastic at Styrofoam, at paggawa ng fertilizer gamit ang mga tinadtad na gulay, kusot at dumi ng hayop.

Bukod dito, kanila ring binisita ang Barangay Talyer sa Brgy. Marikina Heights, ilang pagawaan ng sapatos sa lungsod, Health Zone na matatagpuan sa Marikina Healthy City Center, at Marikina Trade Fair sa bisinidad ng Marikina Sports Park.

“Natutuwa tayo na tayo ay kanilang binisita upang matunghayan at gawing huwaran sa ilang proyektong kanilang isakakatuparan sa kanilang nasasakupan,” wika ni Mayor Del De Guzman.

Ang delegado ng Association of Barangay Secretaries ng bayan ng Santa Maria ay binubuo ng 31 katao sa pangunguna ng pangulo nitong si Benedict Dumot kasama ang Department of the Interior ang Local Government Officer nito na si Randy Dela Rosa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply