MASARAP NA KASALANAN (Ika-21 na labas)

Kaya wala siyang kamalay-malay na naglalakad na patungo sa servants quarter ang among babae na bitbit ang tray na naglalaman ng kanyang almusal.

Dahil may espesyal at lihim silang relasyon ng hardinero, masustansya ang almusal na dinala ng among babae sa hardinerong mahimbing pa ang tulog kahit sikat na sikat na ang araw.

Marahan ngunit sunod-sunod na katok ang ginawa ni Mrs. Manyol sa pinto ng servants quarter na nakasarado.

“Matias. . . Matias!” Mahinang wika ni Mrs. Manyol habang tuloy sa pagkatok upang gisingin ang natutulog na hardinero.

“Sandali lang. . .” Sagot ni Matias na dahil bagong gising inakalang si Aling Bening o ang isa pang katulong na si Helen ang kumakatok sa pinto.

“Kayo pala ma’m. . .” Wika niyang nagulat dahil hindi inaasahang ang among babae ang bubulaga pagbukas ng pinto ng servants quarter.

“Talagang tulog na tulog ka pa, Matias. . .” Natatawang wika ni Mrs. Manyol na pumasok sa loob ng servants quarter at ipinatong ang almusal sa munting lamesita.

“Bakit ho Mrs. Manyol?” nagtataka at gulat na gulat na wika ni Matias.

“Hindi ba nagkaroon na tayo ng kasunduang hindi ka gagamit ng ho at oho kapag tayong dalawa lamang ang nag-uusap at walang ibang tao?” tanong ni Mrs. Manyol.

“Ay oo nga pala.” Natatawang wika ni Matias na kaagad pumasok sa isipan ang kanilang pinag-usapan ng karelasyong among babae. “Sorry ma’m, nakalimutan ko, nakatulog kasi ako ng mahimbing!”

“Tulog ka pa rin. ” Natatawang wika ni Mrs. Manyol sa masuyo at malambing na tinig. “Alam mo kung bakit?”

“Alam ko na.” Natatawang wika ni Matias habang nagkakamot sa ulo. “Dapat Clarissa lamang ang itatawag ko sa iyo!”

“Salamat at nagising ka.” Wika ni Mrs. Manyol na yumakap ng mahigpit sa karelasyong hardinero at akmang hahalikan. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply