MASARAP NA KASALANAN (Ika-21 na labas)

“Kung tutuusin kulang pa ang bigat ng mga ito kapag nagwo-work-out ako sa gym!”

Nang makapasok sa lo-ob ng malaking bahay, tuloy-tuloy na naglakad sina Aling Bening at Mrs. Man-yol patungo sa servants quarter na tirahan ng may-edad na katulong at katulong na si Helen.

Inilagay ng may-edad na katulong ang dala-dalahan sa sulok ng silid na nakalaan sa kanya at sa kasamang katulong.

Tuloy-tuloy namang lumabas ng servant quarter si Mrs. Manyol, hindi na hinintay ang pasalamat ng may-edad na katulong na kanyang narinig ng maka-labas na sa silid.

Hindi na rin nagtanong ang may-edad na katulong sa among babae kung nasaan ang kasama nyang katulong dahil alam na nya ang milagrong nagaganap sa loob ng malaking bahay na matagal nang pinaglilingkuran bilang kasambahay.

Sa halip, inilatag ang katawan sa kama upang makapahinga dahil pagod na pagod sya sa halos maghapon at magdamag na paglalakbay mula probinsya sakay ng pampasaherong bus. Hindi pa man natatagalan, binasag na ng malakas na paghilik ni Aling Bening ang nakabibinging ingay sa loob ng servants quarter.

“Tiyak na tulog na tulog ngayong maghapon si Aling Bening!” Wika ni Mrs. Manyol na naglaro sa labi ang isang mahiwaga at makahulugang ngiting sya lamang ang nakababatid ng katotohanan.

“Pwede kong puntahan si Matias at dalhan ng almusal!” Dagdag ni Mrs. Manyol na sinilip ang servants quarter mula sa bintana ng malaking bahay.

Tunay na hindi magigising ng maaga si Matias dahil tatlong beses siyang nakarating sa sukdulan ng kamunduhan sa kandungang ng karelasyong among babae.

Nakatulog sya ng mahimbing dahil kailangan ng kanyang katawan ang mahabang pahinga upang magbalik ang naubos na lakas at resitensya sa maigting, maalab at naglalagablab nilang pagtatalik sa kamunduhan ni Mrs. Manyol. Itutuloy

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply