MASARAP NA KASALANAN (Ika-22 na labas)

“Huwag, hindi pa ako nagto-toothbrush.” Natatawang wika ni Matias na masuyong tinakpan ng palad ang bibig ng karelasyong among babae. Kumawala ang binata sa mahigpit na pagkakayakap ng among babae at nagtungo sa munting lababo sa loob ng servants quarter.

Kinuha mula sa isang patungan sa tabi ng lababo ang tootbrush, naglagay ng toothpaste at nagtotoobrush.

Matagal na nag-toothbrush ang hardinero sa layuning tanggalin sa bibig ang masamang amoy ng hiningang dulot ng panis na laway habang natutulog. Nananatili namang nakatindig ang amo niyang babae sa gitna ng sala at pinagmamasdan ang kaniyang kabuuan bilang isang Adan.

Muli, kasabay ng mahiwaga at makahulugang ngiting naglaro sa labi ni Mrs. Manyol, nabuhay ang makamundong pagnanasa sa kaniyang katawang nasaid ng nagdaang gabi sa pamamagitan ng mapusok at mainit na pagmamahal na ipinagkaloob ng karelasyong hardinero.

“Sige, mag-almusal ka habang mainit pa,” wika ni Mrs. Manyol matapos sa pagto-toothbrush ang hardinero na sinulyapan ang tray na naglalaman ng iniaalok na pagkain.

“Hindi pagkain ang gusto kong almusalin,”sagot ni Matias na mahigpit na niyakap ang karelasyong among babae.

“Ano ang gusto mong almusal?” Tanong ni Mrs. Manyol. “Sabihin mo lamang at io-order kita sa fastfood!”

“Ikaw ang gusto kong almusalin!” Sagot ni Matias na tinitigan ang karelasyong among babaeng kulang na kulang sa dilig ng pag-ibig at pagmamahal dahil may karelasyong katulong ang asawa.

“Tunay na masarap akong almusal!” Sagot ni Mrs. Manyol na ibinuka ang labi upang muling mahagkan ng karelasyong hardinero.

Matagal na naghinang ang labi ng magkarelasyon habang mahigpit na magkayakap. Pilit nilag ninanamnam ang sarap at kiliting dulot ng makamundong pagnanasa na muling umalipin sa kanilang buong katawan. ITUTULOY

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply