MASARAP NA KASALANAN (Ika-29 na labas)

Tiyak na tiyak ni Matias, tulad nila ni Mrs. Manyol naglaro din ng apoy sina Mr. Manyol at ang katulong na si Helen.

“Imposibleng hindi!” Wika sa sarili ni Matias. “Nakababaliw ang kagandahan at kaseksihan ni Helen at isang malaking katangahan kung palalagpasin pa ni Mr. Manyol ang pagkakataon upang maangkin ito!”

“Tiyak, tulad namin ni Clarissa, paulit-ulit din silang nagtalik at nakarating sa sukdulan ng kamunduhan!” Konklusyon ni Matias na nananatiling nakatingin sa malaking bahay.

“Sayang, kung wala sana silang relasyon ni Mr. Manyol, liligawan ko siya at kapag sinagot ako, pakakasal agad kami!”

Matapos ang ilang minutong pananatili sa bintana habang nagmamasid sa malawak na bakurang pagtatrabahuhan bilang hardinero, nagbalik sa papag niyang tulugan si Matias.

Nahiga siya dahil nakaramdam ng bahagyang katamlayan at panghihina ng katawan dahil sa muling pagkaubos ng lakas at resistensya sa pagtatalik nila ng karelasyong among babae. Ngunit hindi muling napigilan ng hardinero ang malakas na hila ng antok dahil sa pagod kaya muling naidlip at nawalan ng kamalayan sa nangyayari sa kapaligiran.

Hindi na niya nalamang nakatanaw at sinusuyod ng tingin ang malawak na bakuran ni Mrs. Manyol at hinahanap siya na akalang nagtatrabaho na.

Nang hindi siya makita sa lahat ng sulok ng malawak na bakuran, napatutok ang paningin nito sa servants quarter. At hindi napigilan ni Mrs. Manyol na maglaro sa labi ang mahiwaga at makahulugang ngiting siya lamang ang nakababatid ng kahulugan.

“Tiyak, muli na naman siyang nakatulog ng mahimbing.” Nakatitiyak na wika ni Mrs. Manyol. “ Napagod na naman siya at naubos ang lakas at resistensya. Itutuloy

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply